Tiniyak ng Philippine National Police sa publiko na all accounted ang reward money para sa ikakalutas ng Batocabe murder case.
Ito ay matapos na hilingin ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin sa kongreso na imbestigahan ang PNP dahil sa nawawala umanong pabuya sa makapagtuturo kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo na siyang nasa likod ng pagpatay kay dating Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Banac handa ang PNP CIDG at PNP intelligence group na ipresenta ang reward money at ibigay ang detalye nito kung hihilingin ito ng kongreso.
Sinabi ni Gen Banac, may 20 milyong piso ang nagmula sa Office of the President, 13 milyong piso mula sa Kongreso, 2 milyong piso mlula sa Albay Police Provicnial Office na sa kabuuan ay aabot sa 35 milyong piso.
Ilalaan aniya ang 35 milyong pisong reward money sa mga informants o witnesses na makakapagbigay ng impormasyon kaugnay sa pagkamatay ni Batocabe at ikakalutas ng kaso.