35 na Bayan at 3 Lungsod sa Rehiyon Dos, Gagawaran ng SGLG Award!

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang parangalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 35 na bayan at 3 Lungsod sa Rehiyon dos.

Ang mga mabibigyan ng prestihiyosong parangal na Seal of Good Local Governance (SGLG) ay ang mga bayan sa Lalawigan ng Cagayan gaya ng Allacapan, Buguey, Gattaran, Gonzaga, Iguig, Lal-lo, Sanchez Mira, Solana at Sta. Teresita.

Sa probinsya naman ng Isabela ay ang mga bayan ng Alicia, Angadanan, Benito Soliven, Burgos, Cabagan, Cabatuan, Cordon, Delfin Albano, Echague, Jones, Luna, Mallig, Naguillan, Quezon, Quirino, Ramon, Roxas, San Mateo, at Tumauini.


Tatlong (3) bayan naman ang paparangalan din ng SGLG award sa probinsya ng Nueva Vizcaya na kinabibilangan ng Aritao, Sta. Fe at Solano habang sa probinsya naman ng Quirino ay ang bayan ng Aglipay, Cabarroguis at Saguday.

Dagdag dito, gagawaran din ng naturang parangal ang Lungsod ng Cauayan, City of Ilagan at Tuguegarao City.

Ang mga paparangalang bayan ay mga tanging nakapasa lamang sa ebalwasyon ng DILG kaugnay sa kanilang maayos at magandang pagpapatupad sa kanilang mga tungkulin at pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo para sa kanilang mga kabarangay.

Posibleng sa mga susunod na araw ay igagawad ng DILG ang nasabing parangal sa mga nasabing 35 bayan at 3 lunsod sa rehiyon dos sa Palasyo ng malakanyang kung saan ay panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments