
Nagkaloob ng 3,500 wheelchairs ang SiGMA Foundation sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ngayong Miyerkules, September 16, sa PAGCOR Corporate Office sa Pasay City.
Layunin ng donasyon na matulungan ang mga residenteng may mobility needs sa mga bayan at lalawigang naapektuhan ng habagat sa pamamagitan ng relief goods distribution program ng PAGCOR.
Pinangunahan ni SiGMA Asia Managing Director Neil Shih ang ceremonial turnover kasama si PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, na pormal na tumanggap ng mga mobility aid para sa mga benepisyaryo.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na humanitarian effort ng foundation upang magbigay ng direktang tulong at palakasin ang social impact initiatives sa bansa kasabay ng nakatakdang SiGMA Asia event sa June 2027.










