Wednesday, September 16, 2026

Pagbilang sa Absentee senator, pabor sa acquittal at salungat sa prinsipyo ng hustisya at pananagutan

Iginiit ni impeachment Spokesperson at Kabataan Representative Atty. Renee Co na hindi makatarungang isama sa magiging bilangan ng pagboto sa impeaachent trial ni Vice President Sara Duterte ang mga absent at walang ambag sa paglilitis.

Ayon kay Co, itataob kasi nito ang buong proseso ng impeachment dahil ito ay taliwas sa hustisya at pananagutan.

Diin ni Co, malaki ang bigat ng mga opinyon ng amici curae na inimbitahan ng Impeachment Court.

Tinukoy ni Co ang ibinahagi ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr. na bilangin lamang ang mga kwalipikado at may kakayahang bumoto na mga senator-judges habang sinabi naman ni retired Justice Artemio Panganiban na maaaring magbago ang denominator ng voting threshold sa impeachment trial batay sa realidad.

Binanggit din ni Co ang punto na binigyang-diin ni dating Chief Justice Reynto Puno na nasa Senado, bilang Impeachment Court, ang pangunahing kapangyarihan upang lutasin ang isyu sa voting threshold.

Facebook Comments