35K protesters, magtitipon sa araw ng SONA ni PRRD

Aabot hanggang 35,000 protesters mula sa grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang magtitipon sa Lunes kasabay ng ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang tema ng kanilang protesta ay: “Martsa Para sa Kalayaan at Pagkakamit ng Pambansang Soberenya Laban sa Estados Unidos at China.”

Ayon kay Kilusang Mayo Uno President Ramon Labog – dapat maipaglaban ang soberenya ng bansa laban sa imperiyalistang Amerika at Tsina.


Sinabi naman ni Raymond Palatino mula sa Bayan-NCR – nabigo ang gobyerno na resolbahin ang militarisasyon ng China at pagiging agresibo nito sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Para kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay – pupunahin nila ang pagtanggi ng gobyerno na makipagtulungan sa imbestigasyon ng UN Human Rights Council sa war on drugs.

Ipapanawagan din nila sa gobyerno ang dagdag-sahod at pagtapos sa kontraktwalisasyon, land distribution at pagtutol sa rice tariffication law.

Kasama na rin dito ang dagdag na trabaho, proteksyon sa mga OFW at ang pagmahal ng presyo ng mga bilihin.

Ang Kilusang Mayo Uno (KMU), Karapatan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Pamalakaya, Gabriela, Kadamay, Piston, at Migrante International ay makikilahok sa kilos protesta.

Facebook Comments