36 Japanese nationals na sangkot sa telecom scam, arestado ng Bureau of Immigration

88

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa isang hotel sa Makati City ang 36 Japanese nationals na sangkot sa telecommunications scam.

Mismong ang Japanese government ang nagtimbre sa BI hinggil sa kinakaharap na warrant of arrest nina Nobuki Oshita, 20 at Yusuke Kiya, 33 dahil sa kasong theft sa Japan.


Dahil dito, agad na nagpalabas ng mission order ang BI para sa pag-aresto sa naturang Japanese nationals.

Nabatid na ang naturang mga Hapones ay nakapambiktima na ng 1,393 Japanese nationals at nakatangay ng 2 billion yen.

Sila ay naka-detain ngayon sa BI Detention Facility sa Bicutan, Taguig habang umuusad ang deportation proceedings laban sa kanila.

Facebook Comments

From Advertisers