Tatlumpu’t anim na porsiyento (36%) ng mga pamilyang Pilipino ang nangungutang para ipambayad sa matrikula ng kanilang mga anak.
Ito na ang pinakamataas na porsiyento ng mga pamilya mula sa mga bansang sinuri ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).
Lumabas din sa 2021 Global Education Monitoring (GEM) Report ng UNESCO na 30% ng mga pamilya sa Uganda, Haiti at Kenya kinakailangang mangutang ng pera para mapag-aral ang kanilang mga anak.
Ipinapakita rin sa ulat na mas malaki ang gastos sa edukasyon ng mga pamilya mula sa pinakamahihirap na bansa kumpara sa mga nasa high-income countries.
Dahil dito, hinimok ng UNESCO ang mga gobyerno na gawing libre ang isang taon ng pre-primary at 12 taon ng primary at secondary education.
Kapag nangyari ito, mababawasan din ang mga pamilya sa buong mundo na kinakailangang mangutang para sa edukasyon ng kanilang mga anak.