361 na PNP Officials, pumasa sa NAPOLCOM written exam ayon sa National Police Commission

Kasado na para maging Full Pledge Colonel ang 361 Police Lieutenant Colonels na pumasa sa Police Executive Service Eligibility o PESE Written Examination ng National Police Commission o NAPOLCOM.

Sabi ni NAPOLCOM Vice Chairman and Executive Officer Vitaliano Aguirre II, ang mga ito ay kabilang sa mga opisyal na nag-take ng PESE Exam sa tatlong Sangay ng NAPOLCOM sa Quezon City, Cebu City at Davao City noong October 10, 2021.

Kabuuang 532 Senior Police Officials ang sumailalim sa first phase ng PESE examination pero 67.85% lamang ang pumasa sa mga ito.


Una nang naipagpaliban ang PESE exam noong 2020 dahil sa kaliwat-kanang mga Lockdown dulot ng pagtama ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Aguirre, may second phase pa ng validation na pagdaraanan ang mga pumasang Junior Officials at ito ay ang face-to-face interview na nakatakdang isagawa sa darating na February 19, 20, 26 at 27 sa NAPOLCOM Central Office sa Quezon City.

Ang PESE ay isang eligibility requirement para sa Third-Level Rank ng isang junior PNP official para ito ay umakyat sa ranggong Police Colonel, Police Brigadier General, Police Major General, Police Lieutenant General at Police General.

Facebook Comments