Ang Philippine Charity Sweepstakes Office ay nakapag-bigay ng tulong para sa 3,762 na pasyente para sa unang linggo ng Pebrero 2021 gamit ang Medical Access Program (MAP). Nakapag tala ang PCSO ng 26,964,277.57 na halaga ng tulong sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang pinag sama-samang sangay ng Ahensya mula sa Northern and Central Luzon (NCL) ay umayuda sa 1,021 na pasyente na nagkakahalagang 7,710,109.00, ito ay sinundan ng Southern Tagalog and Bicol Region (STBR) na nagsilbi sa 1,010 na pasyente na may halagang 5,164,636.20. Ang National Capital Region (NCR) naman ay nakatulong sa 663 na pasyentena nagkahalagang 6,462,400.00. Samantala ang mga branches mula sa Visayas Region ay nakatulong sa 569 pasyente sa halagang 4,671,587.87. Ang mga sangay ng PCSO na bumubuo sa Mindanao naman ay nakatulong sa 499 na pasyente na may halagang 2,955,544.50.
Pag dating naman sa larangan ng pagkaka hati ng alokasyon sa kategorya ng MAP, ang tulong para 1,569 na pasyente para sa confinement ay umabot sa 13,539,590.49. Sinundan ito ng hemodialysis na naka tulong sa 1,701 na pasyente na may halagang 7,894,494.61. Ang Chemotherapy ay nag tala ng 443 na pasyenteng natulungan at umabot ito sa halagang 5,048,426.67, samantala ang Post-Transplant ay bumilang sa 41 na pasyente na may halagang 343,765.80. Ang Hemophilia ay nakatulong sa 8 pasyente na nagkahalagang 78,000.00 sa buong bansa para sa unang linggo ng Pebrero.
Ang PCSO sa pamamagitan ng Medical Access Program ay nanatiling matunog at kapaki pakinabang sa libo-libong Pilipino na umaasa ng karagdagang tulong pang-medikal at pangkalusugan. Sa pagdami ng bilang ng lumalagong numero ng mga Malasakit Centers at sa pagpalagananap ng Universal Health Care na malaki ang partisipasyon ng PCSO, ito ay lalong nakatulong sa Ahensya na makilalang Institusyon na ang tunay na layunin ay tumulong sa mahihirap nitong kababayan. Ito rin ang dahilan na patuloy itong tinatangkilik at sinusuportahan ng publiko dahil sila lang talaga ang may Larong May Puso.