Kailangan nang aksyunan ng pamahalaan ang patuloy na pagkasira ng Amazon rainforest sa South America.
Ito ay matapos lumabas ang isang pag-aaral sa Journal Science na lumawak pa lalo ang napinsalang bahagi ng nasabing kagubatan.
Batay sa datos, naapektuhan ng sunog, pangangahoy at paglaki ng populasyon ang 5.5 percent ng natitirang Amazon forest mula 2001 hanggang 2018.
Pero kung isasama ang epekto ng drought o tagtuyot, lalawak pa lalo ang pinsala ng kagubatan sa 2.5 million square kilometers o 38 percent ng Amazon rainforest.
Ayon sa mga eksperto, nagreresulta kasi ng mawalang forest fire ang tagtuyot na pinakalakas pa ng lumalalang climate change.
Kaya nagbabala ang mga ito ng banta ng mas malawak na sunog sa kagubatan sa mga susunod na taon.
Una nang nangako si Brazil president Luiz Inacio Lula da Silva na tatapusin ang deforestation sa Amazon pagsapit ng 2030.