
Kinumpirma ni Department of Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, na 38 Pinoy seafarers ang nakaligtas sa pagtama ng Iranian projectiles sa Persian Gulf.
Ayon kay Cacdac, nangyari ito nang tamaan ng projectiles ang tatlong barkong dumaraan sa Strait of Hormuz.
Aniya, ang 38 Pinoy ay sakay ng dalawang magkahiwalay na barko at lahat sila ay ligtas.
Samantala, ang ikatlong barko na isang Thai-flagged ship ay walang sakay na Pinoy seafarers.
Ang mga nakaligtas na Filipino crew members ay kasalukuyang binibiyahe patungo sa ligtas na lugar.
Muli ring nanawagan si Cacdac sa manning agencies at ship owners na protektahan ang Filipino seafarers at igalang ang kanilang “right to refuse sailing.”
Dagdag pa niya, kapag tumanggi ang mga seafarer na maglayag sa mapanganib na lugar, dapat silang bigyan ng dalawang buwang sahod at libreng repatriation.










