380 na medical reservist ng AFP, gagawin nang active duty para tumulong sa paglaban sa pagkalat ng COVID -19

Inaalam na ngayon nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay ang kasalukuyang ginagawa ng kanilang 380 medical reservists.

Ito ay matapos na ipanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga military medical reservists na tumulong sa medical forces para labanan ang COVID-19.

Ayon kay Secretary Lorenzana, iniutos nya na kay AFP Chief of Staff na i-call to active duty ang kanilang mga medical reservist kung hindi pa nagsi- serbisyo ang mga ito para labanan ang COVID-19.


Kapag natukoy na aniya ang mga pwedeng mag- active duty ay irerekomenda nila ito sa Pangulo para maaprubahan.

Maliban sa mga military medical reservist mayroon ring 5,368 AFP enlisted personnel ang nasa medical training para makatulong sa paglaban sa COVID-19.

Dagdag pa ni Lorenzana, gagawing reserve hospital ang mga AFP medical facilities, kapag napuno na ang mga ospital sa labas ng mga kampo.

Sinabi naman ni Lt. Gen. Gapay, na buong gobyerno na ang gumagawa ng effort para labanan ang COVID-19 pandemic.

Facebook Comments