Cauayan City, Isabela- Nabigyan ng tulong-pangkabuhayan sa ilalim ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ang nasa 39 Former Rebels sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan sa Isabela.
Tumanggap ng halagang P20,000 bawat isa ang nasabing mga dating rebelde mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) field office 2.
Ayon kay Lucy Alan, Assistant Regional Director for Operations, ang nasabing financial assistance ay upang lalo pang mapaganda ang kanilang buhay bilang bahagi ng Whole- of-Nation Approach to End Local Communist Armed Conflict.
Bukod dito, nagpasalamat naman si Atty. Noel Manuel Lopez sa dating mga rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan makaraang tanggapin ang nasabing tulong pangkabuhayan.
Nagpasalamat naman si alyas Jimboy sa pamahalaan sa ibinigay na tulong pangkabuhayan para sa kanila.
Emosyonal namang nagpasalamat sa pamahalaan si Baby Jane Morales matapos din nitong tanggapin ang nasabing halaga ng tulong.
Hinikayat din niya ang iba pang natitirang miyembro ng NPA na sumuko na sa pamahalaan.
Binigyang diin naman ni BGen. Laurence Mina, Commander ng 5ID na sama-sama ang pwersa ng kasundaluhan at iba pang ahensya ng gobyerno para mga benepisyo ng dating rebelde sa pamamagitan ng E-CLIP.