Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City –Matapos ang mahabang pagpili saisinagawa ng PRO2 Promotion Board, umabot sa 395 PNP personnel ang naiangatsa posisyon at nanumpa agad kahapon, March 12, 2018 sa PRO2 Grandstand.
Sa impormasyong ibinahagi ni Police Regional Information Officer Supt.Chavalier Iringan, may isang libong aplikante ang sumailalim sa iba’t-ibangantas ng pagsusulit at panayam na isinagawa ng PRO2 Promotion Board sapangunguna ni PSSupt. Petronelli M. Baldebrin, Deputy Regional Director forAdministration.
Batay sa ulat, sinabi ni RPHRDD Chief, PSSupt. Juan R. Aggasid na ang mganaipromot na kapulisan ay binubuo ng 54 Police Commissioned Officers (PCOs)at 341 Police Non-Commissioned Officers (PNCOs).Sa 54 na PCOs, dalawa ang Police Superintendents, dalawa ang Police ChiefInspectors, apat ang Police Senior Inspectors at 46 Police Inspectorssamantalang sa 341 PNCOs, 37 ang Senior Police Officers 3, lima ang SeniorPolice Officers 2, 92 Senior Police Officers 1, 115 Police Officers 3 at 92Police Officers 2.
Kaugnay nito, pinangunahan ni Regional Director PCSupt Jose Mario M. Espinoang paglagay ng rangko at panunumpa ng mga nabigyan ng promosyon.
Binigyan pugay ni RD Espino ang Commissioned Officers at Non-commissionedOfficers sa kanilang mga bagong posisyon dahil ito aniya’y nararapat sakanilang mga dedikasyon sa trabaho ngunit ipinaalala pa ni Espino na ang kanilang bagong posisyon ay magsilbing linya sa mas malawak naresponsibilidad ng kanilang nasasakupan at gawin ito bilang isang pang-arawaraw na gawain.
Tags: Luzon, RMN News Cauayan,DWKD 985 Cauayan,PRO2,RD Jose Mario M. Espino