3 BANGKAY NA ANG NAREKOBER SA ENCOUNTER SITE

26443

Cauayan City, Isabela – Umabot na sa tatlong bangkay ng pinaniwalaang miyembro ng New Peoples Army o NPA ang narekober ng isinasagawang clearing operation ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan at kasundaluhan sa Barangay Burgos, San Guillermo, Isabela.

Unang natagpuan ang isang bangkay at sa patuloy na paggalugad ng 205th Maneuver Company at 86IB PA ay muling nakarekober ng dalawa pang bangkay sa naturang encounter site. Kinumpirma ni P/BGen. Angelito Casimiro na tatlo na ang kanilang natagpuang katawan ng pinaniwalaang NPA na nakasagupa ng kanyang kapulisan at kasundaluhan.

Ayon kay P/BGen. Casimiro inaalam pa ang pagkakilanlan ng mga labi na narekober na bangkay na nakasagupa ng kanyang mga tauhan. Nanawagan siya sa pamilya ng mga narekober na bangkay na kunin ang kanilang mahal sa buhay upang sa huling sandali ay mabigyan ng disenteng libing ang mga ito.


Hinikayat niya ang mga rebeldeng grupo na sumuko na lamang dahil may nakalaan naman sa kanila na programa para sa kanilang pagbabalik loob sa pamahalaan para makapamuhay sila na kasama ang kanilang pamilya

Attachments area

Facebook Comments