Atong Ang kay Marjorie Barretto: Matakot ka sa pamilya Echiverri, huwag sa akin

“Hindi kita kaano-ano, ni hindi ka nga natsismis na girlfriend ko, so bakit kita sasaktan?”

Ito ang naging sagot ni Atong Ang sa hiling ni Marjorie Barretto na huwag siyang manakit dahil sa mga detalyeng isinapubliko nito.

Sa eklusibong panayam ni Noli De Castro nitong Huwebes, diretshang sinabi ng negosyante na wala siyang pakialam sa away ng magkakapatid na Barretto.


Aniya, mas dapat matakot si Marjorie sa pamilya ni dating Caloocan Mayor at ngayo’y Congressman Recom Echiverri.

“Sa drama niyo, sa away niyo, wala akong pakialam diyan. Kung may dapat kang katakutan, I think ‘yung family ni Recom [Echiverri]. Idineklara mong kabit ka, e. Dapat kang matakot, may mga anak ‘yon. Doon ka dapat matakot,” pahayag ni Ang.

Dagdag pa ni Ang, “Kung binulgar mo ako, huwag kang mag-alala. Sikat naman ako talaga. Ang daming nagbubulgar sa akin, kaya okay lang.”

Ayon sa ‘legal gambler’, sana magkabati na sila Gretchen, Marjorie, at Claudine lalo na at nag-iisa na lamang sa buhay ang kanilang nanay.

“Sa inyong mga Barretto, since naging parang family ko kayo, kayo na, nilalahat ko na kayo, namatay na ang tatay niyo ngayon, nag-iisa na ang nanay niyo.”

“Kapareho ko, ang nanay ko, mahal ko nanay ko. Inaalagaan ko ‘yan.”

“Magtulong-tulong lang kayo, magbigay kayo ng pera, buhayin niyo, pilitin niyo na maka-survive ang nanay niyo.”

Matatandaang nagkagulo ang tatlong Barretto sa burol ng kanilang ama noong nakaraang linggo habang bumibisita si Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments