Ang mga ito ay ang ikatlong grupo na pinadala sa Wanju County sa South Korea noong Mayo 2, 2022.
Anim sa mga lalaking magsasaka ay sinundo ng PGI-vehicle sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at nakarating sa probinsya nitong Miyerkules, Oktubre 5, 2022.
Sila ay nakauwi na rin sa kanilang tahanan sa Cabagan, Cauayan City at Mallig at kasama ana ang kanilang mga pamilya.
Samantala, apat sa mga magsasaka mula sa ikalawang batch na ipinadala sa naturang bansa ay nauna ng umuwi sa Pilipinas dahil sa problema sa kalusugan o pamilya habang ang 18 naman ay lumabag sa kanilang kontrata ngunit nasa South Korea parin at nagtatrabaho na umano sa labas ng programa.
Nasa kabuuang 81 magsasaka lamang mula sa inisyal na 168 na ipinadala mula una at ikatlong grupo ang nagtapos sa programa.
Layon ng program na mas linangin pa ang kaalaman, kasanayan at karanasan ng mga magsasaka sa paggamit ng makabagong teknolohiyang pang agrikultura at mga inobasyon sa pagsasaka habang kumikita ng karagdagang kita.
Ang Farmers Internship Program ay inisyatibo ni Governor Rodito Albano III upang matulungan ang mga Isabelinong magsasaka.