3rd TELCO | SC, hindi naglabas ng TRO sa petisyon kontra sa pagpasok ng ikatlong telco player

Manila, Philippines – Muling ikinalendaryo ng Korte Suprema sa susunod na en banc session ang pagdesisyon sa petisyon kontra sa paggamit ng PLDT at GLOBE sa mga frequency na nabili nila sa San Miguel Corporation.

Sa regular en banc session kasi kaninang umaga, wala ang ponente ng petisyon na si Justice Alexander Gesmundo na naka-birthday leave ngayong araw.

Sa nasabing petisyon, hinihiling na ideklarang iligal at hindi naaayon sa batas ang pag-award ng National Telecommunications Commission o NTC sa PLDT at Globe telecom ng 700 megahertz na frequency


Bunga nito, tuloy ang bidding ng ntc sa mga nalalabing frequency para sa 3rd telco player na inaasahang iaanunsyo bukas ng Malakanyang.

Facebook Comments