3rd tranche ng SAP, dapat manggaling din sa Kongreso ayon sa Palasyo

Ipinauubaya na ng Malakanyang sa Kongreso ang pamamahagi ng 3rd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ito ay makaraang isailalim muli sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, dahil ang naunang mga ayuda ay galing sa Kongreso, kinakailangan na itong ikatlong ayuda ay magmumula rin sa kanila.


Paliwanag ni Roque, nakasaad kasi sa Saligang Batas na hindi pwedeng gastusin ang kaban ng bayan na walang umiiral na batas.

Matatandaang noong Marso nang ipatupad ang lockdown, ipinasa ng Kongreso ang Bayanihan to Heal As One Act kung saan nagbigay ng ₱5,000 hanggang ₱8,000 tulong pinansyal sa low income families.

Facebook Comments