Mahigit ₱10-M halaga ng shabu, nasabat ng Taytay Police sa Taytay, Rizal

Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Taytay Municipal Police Station at Rizal Provincial Police Office Provincial Intelligence Unit ang isang hinihinalaang lider ng local drug group sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Lupang Arenda, Barangay Santa Ana, Taytay, Rizal.

Kinilala ang suspek na si Eric Dela Cruz, 32 -anyos, isang high value target at pinuno ng local drug group na nakumpiskahan ng ₱10.2 million halaga ng iligal na droga.

Nakumpiska sa suspek ang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱10.2 million, tatlong pouches ng pinatuyong dahon ng marijuana, KG-99, .45 caliber pistol, 9mm pistol, isang magazine para sa KG-99, dalawang magazines para sa caliber .45, dalawang magazines para sa 9mm, limang bala para sa KG-99, limang bala ng caliber .45 pistol, 10 bala ng 9mm pistol, isang improvised carbine rifle na puno ng bala, dalawang pirasong hand grenade, weighing scale, isang white plastic pouch na naglalaman ng drug paraphernalia, isang tooter, at ₱67,110 drug money.


Ayon kay Taytay Police Chief Police Maj. Rodel Ban-o, naaresto si Dela Cruz dahil na rin sa resulta ng isinagawa nilang Community Mobilization Program at Barangay Drug Clearing Program.

Facebook Comments