Naramdaman sa ilang bahagi ng Bicol Region ang 4.5 na magnitude na lindol sa probinsiya ng Masbate kaninang alas-12:05 ng hapon.
Samantala sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang mga pagyanig sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV sa Cataingan, Dimasalang, at Palanas, Masbate.
Intensity III naman sa Masbate City.
Intensity II sa Cawayan, Masbate; Bulusan, at Irosin, Sorsogon; Sorsogon City; at Legazpi City.
Facebook Comments