Mga gadget na ipamimigay para sa mga mag-aaral sa lungsod ng Pasig, dumating na

40

Inihayag ng pamunuan ng Pasig City na 12 araw bago ang pagsisimula ng blended learning, dumating na ang unang delivery ng mga computer tablet na ipamimigay nila sa mga estudyante ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang official Facebook account, wala pang takdang araw kung kailan ito ipamamahagi dahil sasailalim pa ang mga ito sa inspection.

Una rito ay sinimulan na kahapon ng lungsod ng Pasig ang pamimigay ng mga learning packets para sa special children educational institutions.

Ang lungsod ng Pasig ay naglaan ng ₱1.3 bilyon para sa mga gadgets na magagamit sa pasukan na magsisimula sa October 5.

Facebook Comments