Naitala ng Department of Health (DOH) region 2 ang apat (4) na bayan at dalawang (2) siyudad sa buong Lambak ng Cagayan na may local transmission ng COVID-19.
Ayon kay Pauleen Atal, Health Education and Promotion Board Officer, kinabibilangan ito ng bayan ng Roxas at Naguilian sa lalawigan ng Isabela; Bayombong at Solano sa Nueva Vizcaya habang ang siyudad naman ng Ilagan at Tuguegarao.
Batay sa talaan ng DOH, may local transmission na pitong (7) katao sa Roxas, 29 sa City of Ilagan, 9 sa Naguilian, 61 sa Tuguegarao City, 9 sa Bayombong, 20 sa Solano.
Una nang kinumpirma ng ahensya na ang isang lugar na nakapagtala ng positibong kaso ng virus na 2 o higit pa na walang kahit anong kasaysayan ng pagbiyahe sa mga may kumpirmadong kaso nito ay ikinokonsiderang local transmission.