
Pinuna ng isang ekonomista ang pagpapatupad ng 4-day work week ng gobyerno bilang bahagi ng pagtitipid sa gitna ng epekto ng pagtaas ng produktong petrolyo na dulot ng giyera sa Middle East.
Ayon kay Astro del Castillo, ekonomista, marami na umanong pag-aaral na nagpapakita na hindi mahusay na band aid solution ang 4-day work week.
Mas kinakailangan aniya ang presensya ng gobyerno sa isang panahong may krisis ang bansa.
Aniya, posibleng maapektuhan ang ekonomiya dahil walang mag-aasikaso sa mga kontrata ng pamahalaan.
Naniniwala si Del Castillo na epektibo ang hakbang kung online na ang mga transaksyon sa gobyerno.
Facebook Comments










