Wednesday, March 11, 2026

4-day work week, malaki rin ang epekto sa kabuhayan ng mga tsuper sa Metro Manila

Doble-dagok ngayon para sa mga motorista ang bigtime oil price hike na sinabayan pa ng pagpapatupad ng 4-day work week sa mga empleyado ng gobyerno.

Ayon sa ilang jeepney driver na nakapanayam ng DZXL RMN Manila, posibleng maghanap na lamang sila mg ibang trabaho kapag nagtuloy-tuloy ang pagpapatupad ng 4-day work week.

Paliwanag ng isang tsuper, maraming empleyado ng gobyero ang dumadaan sa ruta ng jeep kung saan siya namamasada.

Kaya malaking kawalan din ang isang araw na wala siyang pasaherong nagtatrabaho sa pamahalaan na kanyang maisasakay.

Sinabi naman ng isa pang tsuper na kung kaunti din lang ang kanilang pasahero tuwing araw ng Biyernes ay magpapahinga na lamang ito.

Aniya babawi na lamang siya sa pamamasada sa araw ng Sabado hanggang Huwebes at magdadagdag na lamang ng oras para makabawi ng kita.

Kung maalala, nagpatupad ang gobyerno ng 4-day work week para makatipid kasunod na rin ng pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Facebook Comments