Once in a lifetime thing is to be born wealthy and it will not happen in just a snap of your fingers.
Sabi nga nila kung gusto mong yumaman wag mong hayaan ang sarili mong magsayang ng oras sa pagtatrabaho para sa iba. Minsan naiisip mo ba na maging isang Henry Sy? The Zobels? Bill Gates? Ang sarap mangarap ‘di ba? Pero naisip mo din ba kung anong ginawa at ginagawa nila para maging isang ganap na milyonaryo o bilyonaryo?
Lahat tayo ay gustong umasenso, yumaman at makamit ang pangarap at magtagumpay sa buhay. Pero pano nga ba natin ito gagawin at paano ito mangyayari sa ‘tin?
Narito ang iilang mga mahahalagang bagay na isinasabuhay ng ating mga iniidolong indibidwal:
- Gumising ng umaga at planuhin ang mga dapat gawin sa araw araw
Maraming mayayaman ang naniniwala na ito ang unang unang rule na dapat sinusunod ng mga tao. Bakit nga ba? Sa isang araw na ayaw mong masayang paplanuhin mo talaga kung anu-ano ang mga nakalaan na dapat mong gawin. Errands, deadlines, at kung anu anong bagay na pwede mong gawin o dapat mong gawin upang maging produktibo o efficient.
- Kumain ng masusustansyang pagkain at mag-ehersisyo
Kung gusto mong maging produktibo sa isang araw kailangan mo ng lakas na makukuha mo sa pagkain ng tama at pag-ehersisyo. Sabi sa report ng Corley 76% ng mga mayayaman ay talagang naglalaan ng oras upang magehersisyo kumpara sa 23% na middle class people (https://www.cnbc.com/2017/03/28/9-habits-of-highly-successful-people.html)
- Magkaroon ng malawakang pagintindi sa tinatawag na “PRIMARY GOAL”
Ano nga ba ang iyong mga ninanais sa buhay? Ito ba ay in 5 years time? Upang magkaroon ng direksyon ang iyong pagyaman natural lang na magkaron ka ng patutunguhan. Dapat ito ay may specific details at time frame. Ang pagpaplanong ginagawa ay dapat may realidad at kayang makamit sa makatotohanang paraan.
- Time is money. Ang oras ay kayamanan.
Sa pangkalahatan, ang mga mayayamang tao ay nagpupursigi upang makamtan ang kanilang mga mithiin. Hindi sila nagaaksaya ng oras sa mga bagay gaya ng social media dahil naniniwala sila na ang oras na nasasayang sa hindi makabuluhang bagay ay pagsasayang ng pera.
Article written by Ma. Sarah Rose Sampelo