4 Indibidwal sa Region 2, Naitalang Biktima ng Paputok

19

Cauayan City, Isabela- Apat na indibidwal ang naitalang firecracker-related incident sa buong rehiyon dos batay sa datos ng Department of Health kahapon, Disyembre 27, 2021.

Ang mga biktima ng paputok ay pawang mga lalaking edad 8 hanggang 12-taong gulang kung saan ang dalawang kaso ay mula sa probinsya ng Cagayan.

Tatlo sa mga biktima nito ay hindi na kailangang putulin habang ang isa ay kailangang putulin sa bahagi ng katawan na tinamaan.


Ayon sa ahensya, nangyari ang insidente sa tahanan at lansangan.

Sa kasakuluyan ay nagpapagaling na ang mga biktimang nilapatan ng lunas matapos ang insidente.

Samantala, wala namang naitalang kaso ng stray bullet.



Paalala pa rin ng kagawaran sa publiko na gumamit ng alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng bagong taon.

Facebook Comments