4 Katao, Huli sa Pagsusugal sa Isabela!

368

Cauayan City, Isabela- Hindi nakaligtas sa mga alagad ng batas ang apat (4) na katao matapos matiklo sa pagsusugal sa Brgy. Bagutari, Santo Tomas, Isabela.

Naaresto ng PNP Santo Tomas sina Joseph Managuelod, 44 anyos, walang asawa, magsasaka, Estefania Quilang, 50 anyos, house wife, Allan Magundayao, 39 anyos, magsasaka at Marisol Zilabbo, 45 anyos na pawang mga residente ng Brgy. Bagutari, Santo Tomas, Isabela.


Naaresto ang apat na suspek matapos na maaktuhan sa paglalaro ng baraha (bet game) sa kanilang lugar.

Nakumpiska ng mga otoridad ang isang (1) table na ginamit sa pagsusugal, apat (4) na upuan, isang (1) set ng baraha at pera na nagkakahalaga ng Php2,680.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments