Jeanelyn Villavende, nakaranas ng pang-aabusong sexual base sa ginawang reautopsy ng NBI

4032

Nakaranas ng pang-aabusong sexual ang pinaslang na pinay ofw sa Kuwait na si Jeanelyn Villavende.

 

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra kasunod ng isinagawang re-autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bangkay ng biktima.


 

Aniya, nakitaan din ng mga gumaling na sugat ang katawan ni Villavende na indikasyon na ilang linggo siyang minaltrato bago nasawi.

 

Bukas, nakatakdang isumite sa kanyang opisina ang formal report ukol dito.

 

Dahil sa pekeng autopsy report sa Kuwait, irerekomenda na ni Labor Sec. Silvestre Bello III sa Philippine Overseas Employment Adminitration (POEA) ang pagpapatupad ng permanent deployment ban ng mga household service workers sa Kuwait.

 

 

 

Facebook Comments