4 kwarto ng Ready Reserves Office sa Arescom Headquarters ng Philippine Army sa Taguig, nasunog

240

Taguig City, Philippines – Natupok ang apat na kwarto ng Ready Reserve Office sa Arescom Headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio Taguig City kagabi.

Nagsimula ang apoy sa opisina ng 301st Ready Reserve Battalion at agad na kumalat sa ibang kwarto.


Ayon kay Fire Chief Inspector Severino Sevilla, ang hepe ng BFP-Taguig Operations, inaalam pa nila ang sanhi ng sunog dahil walang tao sa mga opisina nang mangyari ito.

Gawa aniya sa magkahalong light materials at konkreto ang mga opisina.

Dagdag pa ni Sevilla, nasunog na rin noong taong 2014 ang bahagi ng Ready Reserve Office.

Hindi pa rin tukoy ng BFP kung magkano ang halaga ng ari-arian na natupok.




Umabot ng ikalawang alarma ang sunog na nagsimula alas onse kagabi at naapula matapos ang dalawamput pitong minuto.
DZXL558

Facebook Comments