4 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Cavite

88

Apat katao ang naidagdag sa bilang ng kaso na nagpositibo sa COVID-19 sa Cavite.

Batay sa Official Facebook Page ni Cavite Governor Jonvic Remulla, ngayon araw ng Huwebes, April 2, dalawang lalake na may edad 35 at 60 mula Bacoor City habang dalawang babae naman na may edad 35 at 73 mula Dasmarinas City ang parehong nagpositibo sa COVID-19 Test kahapon.


Noong March 30, anim katao kabilang ang isang 31 years old na babae mula Noveleta, 44 years old na babae mula Baccor City; 54 years old na lalaki mula Ternate; 42 years old mula Bacoor City; 47 years old mula GMA at 43 years old na lalaki mula Cavite City ang naitalang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Remulla, iisa lamang ang Accredited Testing Area ng Cavite kaya mabagal ang paglabas ng resulta ng COVID tests.

Ngayong linggo ay ilulunsad na rin ang COVID-19 Testing Program ng lalawigan kaya inaasahang tataas pa ang bilang ng mga magpopositibo sa COVID-19.

Facebook Comments