Pasay City, nakapagtala na ng tatlong patay sa COVID-19

100

Mula sa 22, umakyat na ngayon sa 36 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay City.

Ito ay matapos madagdagan ng 14 ng panibagong kaso ng COVID sa nasabing lungsod.


Habang sa PUMs naman mula 167 umabot na ito ngayon sa 212.

Ayon sa Pasay City Health Office, nadagdagan din ang bilang ng mga PUIs sa lungsod mula sa 36 ay umakyat narin ito sa 39.

Samantala, umabot na rin sa tatlo ang naitalang patay sa COVID-19 sa lungsod habang nananatili naman sa isa ang naka recover sa naturang sakit.

Facebook Comments