Kabilang sa mga idineklarang drug-cleared na bayan ang Sta. Maria, Isabela; Sto. Tomas, Isabela; Gattaran, Cagayan; at Kasibu, Nueva Vizcaya.
Habang ang 16 barangay naman mula sa siyam na munisipalidad na idineklarang drug-cleared ay kinabibilangan ng Brgy. San Fermin sa Cauayan City at Brgy. Ambatali, Brgy. Bugallon Norte, Brgy. Bugallon Proper, Brgy. General Aguinaldo, Brgy. Oscariz, Brgy. San Miguel habang provincially cleared naman ang Brgy. Burgos sa bayan ng Ramon Isabela.
Ang mga drug cleared na barangay sa Cagayan naman ay Brgy. San Jose sa Enrile, Brgy. Bangag sa Solana, Brgy. Annafunan West at Brgy. Centro 5 sa Tuguegarao City, at Brgy. Imurung at Brgy. Tungel sa Baggao.
Sa Nueva Vizcaya naman, ang mga drug-cleared na barangay ay Brgy. Poblacion sa Aritao, Brgy. Barat sa Bambang, at Brgy. Don Tomas Maddela sa Bayombong.
Isinagawa ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) Region 2 sa pangunguna ni Director Joel Plaza, Chairman/Regional Director, PDEA RO II ang 28th ROCBDC Deliberation and Awarding of Drug-Cleared Municipalities/Barangays and Verification of Drug-Free Barangays kahapon ng umaga sa NIA Training Center, NIA-MARIS, Ramon, Isabela.
Ang aktibidad ay dinaluhan din ng mga LGU representatives mula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela, at Nueva Vizcaya, mga Municipal Mayors, mga hepe ng pulis, mga kagawad, SK at iba pa.
Samantala, sa deklarasyon ng 16 na barangay, at isang (1) provisionally cleared na mga barangay, may natitira pang 79 o 3.42% Drug-Affected Barangays (DABs) na kailangan tutukan sa rehiyon.