HIGIT 5M HALAGA NG MARIJUANA, NASABAT SA KALINGA

Arestado ang isang lalaki na sangkot sa pagbibiyahe ng bloke-blokeng marijuana mula sa Tinglayan, Kalinga patungo sanang Maynila.

Ang suspek na hindi pinangalanan ay residente ng Pacac, Agbannawag, Tabuk City.

Nakatakas umano ang suspek mula sa isinagawang checkpoint operation ng kapulisan sa Dinakan, Lubuagan, Kalinga kung kaya’t agad nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba upang ma-intercept ito.

Inabandona na lamang ng suspek ang kanyang dalang Toyota Rush na sasakyan sa Cagaluan, Pasil, Kalinga kasama ang nasa P5.4 halaga ng marijuana sa loob nito at tumakas ngunit kalauna’y natunton din sa hot pursuit operation ng kapulisan.

Nakumpiska sa likurang bahagi ng inabandonang sasakyan ang tatlong sako na naglalaman ng mga pinatuyong dahon at stalks ng marijuana sa tubular at bricks form na tumitimbang ng 48 kilos.

Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng 2nd Kalinga PMFC, Pasil MPS, Lubuagan MPS, Tabuk CPS, PIU, PDEU, 1st KPMFC, Tinglayan MPS, RID, at RDEU PROCOR.

Facebook Comments