4 na Bayan sa Isabela, Binabantayan dahil sa African Swine Fever

*Cauayan City, Isabela*- Mahigpit na binabantayan ng National Meat Inspection Service (NMIS-RO2) ang apat na bayan sa Probinsya ng Isabela dahil sa usapin ng sakit na African Swine Fever.

Ayon kay Dr. Edwin Burga ng NMIS Region 2, kinabibilangan ng bayan ng Quezon, Mallig, Quirino at Jones sa Isabela ang masusing binabantayan dahil sa nakitaan ng hinihinalang sakit na ASF mula sa mga backyard ng mga hograisers.

Sinabi pa nito na nakuhanan na ng blood sample ang mga baboy mula sa mga nasabing lugar para isailalim sa pagsusuri kung ito ba ay apektado rin ng ASF.


Matatandaang nakapagtala ng dalawang kaso ng ASF sa bayan ng Mallig at Quirino ang Department of Agriculture Region 2.

Paalala pa ni Dr. Burga na nagpapatuloy ang implematasyon ng 1-7-10 na kapag 1kilometer radius mula sa apektadong baboy ay depopulation o papatayin ang mga alagagang baboy habnag 7-kilometer radius ay isasailalim sa quarantine at 10 kilometers ay kinakailngan ng magsagawa ng reporting ukol dito.

Binigyang-diin din nito na mahigpit na ipinagbabawala ang marahas na pagpatay sa alagang baboy sakaling makataan ng sintomas ng ASF dahil sa pinapangalagaan pa rin dapat ang kapakanan ng hayop dahil posibleng makasuhan ang sinumang gagawa ng marahas sa ilalim ng “Animal Welfare Act”.

Facebook Comments