4 na drug personalities, arestado sa buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Pasig

Pasig City, Philippines – Arestado ang apat na drug personalities, kabilang ang dalawang babae matapos magsagawa ng bust-bust operation ang mga operatiba ng Pasig Anti-Illegal Drug Unit sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Pasig.

Kinilala ang mga suspek na sina Agustin Adis, naaresto sa Westbank Road, Floodway, Barangay Maybunga, Charles Ace Bajo na natimbog sa Napico, Barangay Manggahan.

Maica Remigio, naaresto sa Chico St., Napico, Barangay Manggahan at Rosita Castro nahuli sa Barangay Palatiw.


Nabatid na matagal ng sinusubaybayan ng Pasig PNP ay mga galaw ng mga suspek sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga.

Nagpanggap na bibili ng shabu ang isa sa mga operatiba ng Pasig PNP at nang iaabot na ang buy-bust money ay agad inaresto ang apat.

Nakuha sa mga suspek ang mga pira-pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu at nabawi rin sa kanila ang buy-bust money.
DZXL558

Facebook Comments