*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang apat na empleyado ng Abrasca Cooperative matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto ng mga ito sa Brgy. Zamora, Cabarroguis, Quirino,
Nakilala ang apat na akusado na sina Christine Joyce Pajarillo, 27anyos at residente ng Purok 1, Barangay Mangandingay, Cabarroguis, Quirino, Joseph Cabotaje, 25-anyos at residente ng Purok 4, Barangay Balagbag, Diffun, Quirino, Reina Mae Credo, 31-anyos na residente ng Purok 5 at Marife Quitlong, 25-anyos ng Purok 4 na kapwa residente ng Barangay Gulac, Diffun, Quirino
Sa eksklusibong panayam ng 98.5iFM Cauayan kay P/Maj. Edgar Pattaui, hepe ng PNP Cabarroguis ang apat ay may kanya-kanyang partisipasyon sa pagkulimbat ng halos isang milyon pera umano ng nasabing kooperatiba.
Base sa ipinalabas na warrant of arrest ni Hukom Andrew Dulnuan, Presiding Judge ng 2nd judicial region Branch 31 Cabarroguis, Quirino na may piyansang P40,000 bawat isa maliban kay Credo na nagkakahalaga ng P120, 000 sa parehas na kasong qualified theft.
Sa ngayon ang apat nasa kustodiya ng pulisya sa para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.