4 na Katao sa Roxas, Isabela, Huli dahil sa Kasong Illegal Gambling!

38

*Roxas, Isabela- *Arestado ang apat na katao na may kasong kinakaharap matapos isilbi ang kanilang Warrant of Arrest pasado alas otso kaninang umaga sa brgy Sotero Nuesa, Roxas, Isabela.

Kinilala ang mga naaresto na sina Rosenda Mendoza, 49 anyos, Jose Mendoza, 54 anyos, Generose Mendoza at Judi Mendoza, 19 anyos at pawang mga residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, hinuli ang apat na indibidwal sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalbas ni huko Fe Viray-Alvaro ng 10th MCTC Roxas-Quirino, Isabela dahil sa kasong Paglabag sa PD 1602.

Dinala na sa Roxas Police Station ang mga nahuli at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng kanilang piyansang labing dalawang libong piso (12,000.00).

Facebook Comments