Cebu City LGU, iginiit na may permit ang pagpuputol nila ng puno para bigyang daan ang bagong sementeryo

39

Dumipensa ang Cebu City Government kaugnay sa pagpuputol nila ng mga puno sa Barangay Guba para bigyang daan ang bagong sementeryo.

Ayon kay Councilor Dave Tumulak, mayroong permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasabing aktibidad.


Pero nilinaw ng DENR Region 7 na ang pagputol ng halos 400 mahogany trees sa isang protected area ay walang clearance mula sa kanila.

Naglabas na ng notice of violation ang DENR laban sa lokal na Pamahalaan.

Ang pagtatayo ng bagong sementeryo ay hakbang ng LGU lalo na at paubos na ang espasyo sa kanilang public cemetery sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments