DAVAO CITY – Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang apat na persons of interest na nasa likod ng pagsabog sa Davao City.Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, sinusundan na nila ang legal na aspeto gaya ng kanilang mga pangalan at ang posibleng ugnayan ng mga ito sa teroristang grupo.Pero tumanggi muna itong idetalye ni PNP chief dahil baka masagabal sa kanilang ongoing investigation.Una nang sinabi ni dela Rosa na posibleng pinagsanib na pwersa ng Abu Sayyaf Group at mga narco-terrorist ang responsible sa pagpapasabog.Aniya, ang mga miyembro ng ASG ay nandudukot ng tao at nambobomba para sa pera.Habang ang mayayamang mga drug lords ay pwedeng magbayad sa Abu Sayyaf para makagulo sa kampanya ng administrasyon kontra iligal na droga.Samantala… Kinumpirma ni Davao City Police Director Sr. Supt. Michael John Dubria na Improvised Explosive Device (IED) na may 60-mm mortar ang ginamit sa naturang pagpapasabog.Ipinaliwanag niya na cellphone ang ginamit sa pag-detonate ng bomba.
4 Na ‘Persons Of Interest’ Sa Pambobomba Sa Davao City, Tukoy Na Ng Pnp
Facebook Comments