
Kinumpirma ng philippine Air force (PAF) na nasawi ang kanilang apat na piloto matapos na bumagsak ang dalawang SF-260 aircraft habang nagsasagawa ng training flight sa Fernando Air Base, kahapon ng 3:51 PM.
Ayon sa ulat ng PAF, wala nang iba pang naiulat na nasawi sa insidente.
Gumugulong naman na ang imbestigasyon para matukoy ang dahilan ng aksidente habang ang lahat ng SF-260 aircraft ay pansamantalang pinatigil sa pagpapalipad bilang parte ng precautionary safety measure.
Lubos namang nakikiramay ang Air Force sa mga pamilya ng nasabing nasawing piloto at tiniyak ang pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga ito.
Facebook Comments










