4 na pinaghihinalaang miyembro ng Maute Group na naaresto sa isang pantalan sa Iligan City, kinasuhan na ng Philippine Coast Guard

59

Iligan City – Kinasuhan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na pinaghihinalaang miyembro ng Maute Group na naaresto sa isang pantalan sa Iligan City.

Kinilala ang apat na sina Ame Rodin Unte, Abnel Hamid, Abu Bakar Ibrahim at Alinor Dimapuro.

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa R.A. 172 ng revised penal code matapos na magpakilalang mga preacher pero nang tanungin tungkol sa turo ng relihiyon ay wala namang maisagot.

Bukod pa rito ang mga pekeng identification cards na nakuha sa mga ito.

Facebook Comments