Driver ng truck sa Taytay Road Crash, kinasuhan na

16

Taytay, Rizal – Sumailalim na sa inquest proceedings ang driver ng truck na umararo sa mga tricycle at ilang tinadahan sa Taytay, Rizal noong Sabado.

Ayon kay Taytay Police C/ Supt. Samuel Delorino – inamin ng driver na si John Paul Teston na talagang nagkaproblema sa preno ang kanyang truck kaya ito bumangga.

Sinampahan na rin siya ng kasong “reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries at multiple damage to property”.

Umapela naman ang mga biktima sa driver na sagutin ang gastusin sa kanilang pagpapagamot at bayaran ang mga nasira nitong ari-arian.

Facebook Comments