4 sa 10 pamilyang Pilipino, naniniwalang mahirap sila – SWS survey

Halos kalahati ng mga pamilyang Pilipino ang ikinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahihirap.

Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa noong Abril 19 hanggang 27.

Batay sa SWS Survey, 43 percent o katumbas ng 10.9 milyong pamilya ang naniniwalang mahirap sila habang 34 percent ang borderline poor o malapit nang maghirap at 23 percent ang nagsabing hindi sila mahirap.


Paliwanag naman ng SWS, tumaas ang self-rated poverty dahil dumami ang naniniwalang mahirap sila mula sa rehiyon ng Mindanao at Metro Manila.

Habang bumaba naman ang bilang sa Visayas at Balanced Luzon.

Isinagawa ang survey sa 1,440 indibidwal na may edad 18 pataas at may sampling error margins na ± 2.6 percent

Facebook Comments