Arestado ang isang 40-anyos na magsasaka na itinuturing na bagong drug personality matapos mahuli umanong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Lira, San Juan, Ilocos Sur, gabi ng Setyembre 12, 2026.

Pinangunahan ang operasyon ng San Juan Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Agosto M. Asuncion, Provincial Director ng Ilocos Sur Police Provincial Office o ISPPO.

Nasamsam mula sa suspek ang 15.874 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱107,943.20, na nakalagay sa limang heat-sealed sachet.

Nakuha rin sa operasyon ang buy-bust money, isang motorsiklo, cellular phone, at iba pang personal na gamit.

Ayon sa ISPPO, bahagi ang operasyon ng patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga sa Ilocos Sur.

Patuloy rin umano ang intelligence-driven operations ng ISPPO at pakikipagtulungan sa iba pang law enforcement agencies at komunidad upang mapigilan ang pagkalat ng ilegal na droga sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments