Nakapagtala ng 50 porsiyentong pagbaba sa mga focus crimes ang Police Regional Office 1 o PRO1 sa unang buong linggo ng mas pinaigting na pagpapatupad ng mga hakbang kontra krimen.
Iniulat ang accomplishment sa isinagawang tradisyunal na Monday Flag Raising Ceremony noong Setyembre 14, 2026sa Camp BGen Oscar M. Florendo sa La Union.
Sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Crisaleo R. Tolentino, Regional Director ng PRO1, bumaba ang mga insidente ng focus crimes kasunod ng mas pinalakas na police visibility, pinaigting na law enforcement operations, at mabilis na tactical responses sa buong Ilocos Region.
Kasabay nito, ginawaran ng mga medalya ang mga piling tauhan ng PRO1 bilang pagkilala sa kanilang mga naging accomplishment sa operasyon, dedikasyon sa tungkulin, at ambag sa mga hakbang ng kapulisan para sa crime prevention.
Pinuri ni PBGEN Tolentino ang mga awardee at buong hanay ng PRO1 at hinikayat ang mga ito na ipagpatuloy ang momentum sa kampanya kontra krimen. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










