40 milyong mga Pilipino, kinakailangan nang mabigyan ng booster shot ayon sa DOH

Kailangan nang mabigyan ng booster shot ang nasa 40 milyon pang mga eligible na Pilipino.

Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ngayon ay mayroon pa lang 15.2 milyong mga Pilipino ang naturukan ng booster shot.

Kaya ilalapit raw nila ang bakuna sa publiko sa pamamagitan ng pagtungo sa malalayo o liblib na lugar.


Magha-house to house vaccination din aniya sila para maabot ang mga senior citizen.

Hihiling rin aniya sila ng tulong sa DepEd, DOLE, DILG at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang maging whole of government approach pa rin ang pagpapatupad ng programa.

Sinabi pa ni Vergeire na halos hindi gumalaw mula sa 200 libo ang arawang bakunahan mula pa noong Marso kaya gusto ng pangulo na maitaas ang antas ng coverage ng booster shots dahil siguradong tumamlay o humina na ang epekto ng dalawang primary doses ng bakuna.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Vergeire na ang National Capital Region (NCR) pa lamang ang may malaking bilang na naiturok na booster dose na naitala sa 43% ng kaniyang target population.

Facebook Comments