95IB, Namamahagi ng Relief Packs sa mga Mahihirap na Pamilya!

Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa 600 relief packs ang ipapamahagi ng 95th Infantry Battalion sa pamumuno ni LtCol. Gladiuz Calilan sa ilalim ng 5th ID, Philippine Army sa mga mahihirap na pamilya sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Sgt. Rex Salibad ng 95th IB, patuloy ang kanilang pagtukoy at pamimigay ng relief pack sa mga payak na pamilya na lubhang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.

Nag-ambagan aniya ang buong tropa ng Salaknib Batalyon hanggang sa nakalikom ng halagang Php80,000.00 na ipinambili ng mga assorted groceries at bigas para sa kanilang relief mission.


Isang stakeholder rin ang kusang nagbigay ng Php20,000.00 sa kanilang pamunuan at idinagdag sa kanilang pondo para sa relief.

Nais ng 95th na mabigyan ng kahit konting tulong ang mga pamilya sa naturang bayan na hirap talaga sa pamumuhay.

Facebook Comments