Ilang lugar sa Luzon, makararanas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente

Makararanas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ngayong linggo ang ilang lugar sa Bulacan, Cavite at Pampanga.

Ayon sa Meralco, bunsod ito ng mga maintenance work o pagkukumpuni na isasagawa sa mga apektadong lugar.

Kabilang na ang ilang lugar ng Bulacan, at Pampanga (Candaba) simula April 29-30, 2020 (Miyerkules hanngang Huwebes) sapagitan ng 11:30 PM at 11:59 PM ng Miyerkules at sa pagitan ng 7:01 ng umaga at 7:45 ng umaga nang Huwebes.


Ito ay sa bahagi ng:

Cagayan Valley Road mula Barangay Maasim, San Ildefonso, Bulacan hanggang Batasan

Salapungan National Road; sa Barangay ng Antayam, Calasag, Calawitan, Garlang, Lapnit, Maasim, Makapilapil, Malipampang, Mataas Na Parang, Nabaong Garlang, Matimbubong, Pulong Tamo, San Juan, Sapang Putol, Sta. Catalina Bata, Sta. Catalina Matanda, Telepatio, Salangan at Town Proper sa San Ildefonso, Bulacan; Barangay Sapang Putol, San Ildefonso, Bulacan; at Barangay Paliwasan, Salangan at Sta. Rita Matanda sa san Miguel, Bulacan.

Kabilang din ang bahagi ng:

Valte Road (San Ildefonso – DRT Municipal Road) mula Cagayan Valley Road kasama ang mga barangay ng Sapang Bulak, Kalawakan at Camachin Sa Doña Remedios Trinidad; at sa barangay ng Akle, Alagao, Bagong Barrio, Basuit, Bubulong Malaki, Bubulong Munti, Bulusukan, Casalat, Gabihan, Palapala, Pasong Bangkal, Pinaod, Sapang Dayap, Sapang Putik, Sapang Putol, Sta. Catalina Bata, Sta. Catalina Matanda, Sumandig, Umpucan at Upig sa San Ildefonso, Bulacan.

Maging sa bahagi ng Batasan, Salapungan National Road mula Barangay Poblacion, San Miguel, Bulacan hanggang at kasama ang mga barangay ng Barangka, Lourdes, Magumbali, Mapanique, Mandile, Magumbali, Lourdes at Salapungan Sa Candaba, Pampanga; Barangay Batasan Bata, Batasan Matanda at San Agustin sa San Miguel, Bulacan.

Kasunod nito ang ilang lugar ng Cavite sa parte ng Ternate, Maragondon, at Naic na pansamantalang mawawalan ng kuryente sa April 30, 2020 (Huwebes) sa pagitan ng 9:00  at 9:30 ng umaga at sa pagitan ng 3:01 at 3:30 ng hapon.

Ito ay sa bahagi naman ng Dr. C. Nuñez St. Mula sa Barangay Labac sa Naic hanggang at kasama ang Barangay ng Pinagsanhan 1-a & 1-b sa Maragondon; Barangay Bucana, Town Proper, San Jose, San Juan I & II at Sapang I & II sa Ternate.

Facebook Comments