4,000 vaccination sites sa bansa, mapapagana oras na dumating ang bulto ng mga bakuna sa Agosto

Malaking tulong ang pagbabakuna sa gabi para mapabilis ang vaccination drive ng pamahalaan.

Sa interview ng RMN Manila, pinuri ni Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega ang implementasyon ng “Bakuna Nights” sa Quezon City.

Aniya, may flexibility naman talaga ang mga lokal na pamahalaan para pahabain ang oras ng pagbabakuna sa kanilang lungsod.


Inaasahan naman na mas bibilis ang pagbabakuna oras na dumating na sa bansa ang mas maraming bulto ng COVID-19 vaccines simula sa Agosto.

Facebook Comments